Wikang Ingles

Ingles
Inggles
English
Bigkas /ˈɪŋɡlʃ/
Katutubo saAng mundong Anglopono, kabilang na ang Reyno Unido, Estados Unidos, Kanada, Australia, Irlanda, Nueva Selanda, Karibeng Komonwelt, Timog Aprika at iba pa
Katutubo
L1: 380 milyon (2021)[1]
Pamilya
Ninuno
Mga dayalekto (talaan)
Pagsulat
Kinodigong anyoManually coded English (iba-iba)
Opisyal na katayuan
Opisyal na wika
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1en
ISO 639-2eng
ISO 639-3eng
Glottologstan1293
Linguasphere52-ABA
  Mga rehiyon kung saan katutubong wika ng mayorya ang wikang Ingles
  Mga rehiyon kung saan opisyal o malawakang ginagamit ang wikang Ingles, pero hindi isang katutubong wika ng mayorya
Naglalaman ang artikulong ito ng mga simbolong ponetiko mula sa IPA. Maaari po kayong makakita ng tandang pananong, kahon, o iba pang mga simbolo imbes ng mga karakter ng Unicode kung hindi suportado ang pagpapakita sa mga ito sa kasalukuyan niyong font. Para sa panimulang gabay sa mga simbolong IPA, tingnan ang Help:IPA sa Wikipediang Ingles.

Inglés,[a] binabaybay ding Ingglés, ang kanlurang wikang Hermaniko na nagmula sa Inglatera at ang pandaigdigang lingua franca sa kasalukuyan. Nagmula ang pangalan ng wika mula sa mga Anglo, isa sa mga sinaunang grupong Hermaniko na lumipat sa Britanya sa pagtatapos ng panahong Romano sa naturang lugar. Ingles ang pinakaginagamit na wika sa mundo, dahil na rin sa matinding impluwensiya ng Imperyong Britaniko noon (na pinalitan ng Komonwelt ng mga Bansa sa kasalukuyan) gayundin ng Estados Unidos sa kasalukuyan. Ito rin ang may pinakamaraming gumagamit bilang pangalawang wika, mas marami pa kesa sa mga katutubong mananalita nito. Gayunpaman, ikatlo lamang ang Ingles sa may pinakamaraming katutubong mananalita, pagkatapos ng wikang Mandarin at Espanyol.

Ingles ang opisyal o isa sa mga opisyal na wika ng 57 bansa at 30 dependensiya, ang pinakamarami para sa kahit anong wika. Sa mga bansang tulad ng Estados Unidos, Reyno Unido, Australia, at Nueva Selanda, ito ang pinakaginagamit na wika dahil na rin sa kasaysayan bagamat hindi ito isang opisyal na wika. Isa rin ito sa mga opisyal na wika ng Mga Nagkakaisang Bansa, Unyong Europeo, at iba pang mga pandaigdigan at panrehiyong organisasyon. Ito rin ang de facto na wika ng diplomasya, agham at teknolohiya, pandaigdigang kalakalan, turismo, libangan, at ng internet. Ayon sa isang pagtataya ng Ethnologue noong 2021, meron itong 1.4 na bilyong mananalita.

Nagmula ang Lumang Ingles mula sa mga dayalekto ng mga kanlurang wikang Hermaniko na sinasalita ng mga Anglo-Saxon. Nakasulat sa mga rune (futhorc) ang wika bago ito gumamit ng isang alpabetong nagmula sa wikang Latin. Hiniram kalaunan ng Lumang Ingles ang ilang balarila at pangunahing bokabularyo mula sa Lumang Nordiko, isang hilagang wikang Hermaniko. Nalinang nang husto ang alpabeto at tuluyang pinalitan nito ang paggamit sa mga rune, kasabay ng pag-usbong ng Gitnang Ingles matapos masakop ng mga Normando ang Inglatera simula noong 1066. Sa panahong ito matinding nanghiram ng mga salita ang Ingles mula sa wikang Pranses, na ngayo'y bumubuo ng 28% ng lahat ng mga salita sa wika sa kasalukuyan, gayundin sa wikang Latin, na bumubuo sa karagdagang 28%. Bagamat pawang nagmula sa Latin at iba pang mga wikang Romanse ang malaking bahagdan ng bokabularyo ng Ingles, nananatili pa ring Hermaniko ang pang-araw-araw na bokabularyo, balarila at ponolohiya nito. Umusbong naman ang Modernong Ingles matapos ng isang malawakang pagbabago sa mga patinig nito. Ilan sa mga malapit na kamag-anak ng kasalukuyang anyo ng wika ang wikang Scots, na nasa isang kontinuo ng mga dayalekto sa Ingles, gayundin ang mga wikang Prisyano at Mababang Aleman.

Klasipikasyon

Bahagi ng pamilyang Indo-Europeo ang wikang Ingles, partikular na sa Kanlurang Hermanikong sangay ng mga Hermanikong wika.[3] Dahil pare-parehong nagmula ang Ingles at ng ibang mga wikang Hermaniko kagaya ng mga wikang Olandes at Aleman sa iisang ninuno na tinatawag na Proto-Hermaniko, nagtataglay ang mga ito ng mga magkakatulad na tampok kagaya ng paghahati sa mga pandiwa bilang malakas o mahinang klase, ang paggamit sa mga pandiwang modal, at pagsasailalim sa serye ng pagbabago sa pagbigkas sa mga katinig ng Proto-Indo-Europeo na kilala ngayon bilang mga batas Grimm at Verner.[4]

Isa ang Lumang Ingles sa napakaraming mga wikang Ingaeboniko na umusbong sa isang kontinuo ng mga dayalektong sinasalita ng mga Kanlurang Hermaniko simula noong ikalimang siglo sa Prisya, partikular na sa baybayin ng Dagat Hilaga. Umusbong ang Lumang Ingles mula sa mga mananalita ng mga wikang ito na lumisan sa lugar at nanirahan sa kapuluang Britaniko.[5] Kalaunan, umusbong ang Gitnang Ingles, na sinundan naman ng Modernong Ingles.[6] May ilang mga dayalekto ng Luma at Gitnang Ingles na hiwalay na nalinang at naging mga wikang Angliko, lalo na ang wikang Scots.[7]

Dahil nakahiwalay ang wikang Ingles mula sa ibang mga wikang Hermaniko sa kontinente, nalinang ang sarili nitong bokabularyo, sintaksis, at ponolohiya. Hindi naiintindihan ang Ingles ng mga mananalita ng kahit anong wikang Hermaniko, bagamat may iilang wika katulad ng wikang Olandes at Prisyano na may malaki-laking antas ng kaugnayan.[8] Tradisyonal na iniuugnay ang Ingles sa Prisyano, na madalas na ipinagpapalagay na pinakamalapit na kamag-anak ng Ingles sa mga wikang Hermaniko. Gayunpaman, ipinapakita ng modernong pananaliksik sa dalawang wika na kaunti lamang ang pagkakapareho nito sa Ingles.[9] Bagamat parehong sumailalim ang dalawa sa magkaparehong serye ng pagbabago sa tunog, hindi ito naganap nang sabay upang masabing may matindi silang kaugnayan sa isa't-isa.[10][11]

Kasaysayan

Proto-Hermaniko patungong Lumang Ingles

Manuskritong nakasulat sa panulatang unsiyal ng epikong tula na Beowulf sa Lumang Ingles, isinulat noong bandang taong 975 hanggang 1025.
Nagsimula ang tula sa: Hƿæt ƿē Gārde / na ingēar dagum þēod cyninga / þrym ge frunon ...[Pakinggan! Ating narinig ang kadakilaan ng nagdaang panahon ng mga katutubong hari ng mga Gār-Dene [isang maalamat na tribo ng mga Danes] ...]

Lumang Ingles, o Anglo-Sahon, ang pinakaunang anyo ng wikang Ingles na ginamit mula bandang taong 450 hanggang 1150. Nagmula ito sa mga dayalekto ng mga kanlurang wikang Hermaniko, minsang tinutukoy bilang mga wikang Anglo-Prisyano o di kaya'y mga wikang Hermaniko ng Dagat Hilaga, na sinasalita sa rehiyon ng Prisya, Mababang Sahonya, at katimugang Jutland (sakop ngayon ng Dinamarka at Alemanya) ng mga Hermanikong kilala sa kasaysayan bilang mga Anglo, Sahon, at Yuto.[12] Simula noong ikalimang siglo, tumira ang mga Anglo-Sahon sa Britanya matapos itong lisanin ng mga Romano. Pagsapit ng ikapitong siglo, Lumang Ingles na ang pangunahing wikang sinasalita sa lugar at pinalitan ang mga wikang Karaniwang Britoniko at Britanikong Latin na sinalita noong panahon ng mga Romano.[13][14][15] Ang wika gayundin sa lugar ng Inglatera ay parehong pinangalan mula sa mga Anglo.[16]

Nahahati ang Lumang Ingles sa dalawang dayalektong Angliko (Mersiyano at Nortumbriyo) at dalawang dayalektong Sahon (Kentiko at Kanlurang Sahon).[17] Dahil sa impluwensiya ng kaharian ng Wessex at ang reporma sa edukasyon noong panahon ni haring Alfredo noong ikasiyam na siglo, Kanlurang Sahon ang siyang naging pamantayan sa pagsusulat sa Lumang Ingles.[18] Nakasulat ang epikong tula na Beowulf sa Kanlurang Sahon, habang nakasulat naman sa Nortumbriyo ang pinakalumang tula sa wikang Ingles na Himno ni Caedmon.[19] Gayunpaman, nalinang ang Modernong Ingles mula sa dayalektong Mersiyano habang nalinang naman ang wikang Scots mula sa Nortumbriyo. Isinulat ang ilang mga pinakamaagang tala ng Lumang Ingles gamit ng alpabetong runiko,[20] bagamat ginamit kalaunan ang alpabetong Latin pagsapit ng ikapitong siglo; gumamit ito ng mga kalahating unsiyal na titik at may kasama ring mga runikong titik na wynnƿ⟩, thornþ⟩, at mga binagong titik Latin na ethð⟩ at ashæ⟩.[20][21]

Malaki ang pagkakaiba ng Lumang Ingles sa modernong anyo ng wika. Hindi ito mauunawaan ng isang mananalita ng Ingles sa ika-21 siglo nang walang pagsasanay. Halos kapareho ang balarila nito sa balarila ng wikang Aleman: maraming mga impleksiyon sa dulo ng salita at anyo ang mga pangngalan, pang-uri, panghalip, at pandiwa, at mas malaya ang ayos ng salita nito kesa sa modernong anyo nito. May mga anyo ang Modernong Ingles para sa kaukulan (grammatical case) ng panghalip (halimbawa [panlalaki] 'siya': he, him, his) at may iilan din para naman sa mga pandiwa (halimbawa 'magsalita': speak, speaks, speaking, spoke, spoken), pero sa Lumang Ingles, meron ding mga kaukulan para sa mga pangngalan at may mga dagdag na impleksiyon din ang mga pandiwa para sa katauhan at kailanan.[22][23][24]

Impluwensiya ng Lumang Nordiko

Sa pagitan ng ikawalo hanggang ika-11 siglo, sumailalim ang Ingles na sinasalita sa ilang mga rehiyon sa impluwensiya ng Lumang Nordiko, na isang Hilagang wikang Hermaniko. Dahil sa sunod-sunod na pagkolonisa ng mga Nordiko sa ilang bahagi ng Britanya noong panahong ito, nakakasalamuha ng mga mananalita ng Lumang Ingles sa mga mananalita ng Lumang Nordiko. Pinakamatindi ang interaksyon sa dalawang wika sa mga barayti ng wikang sinasalita sa hilagang-silangan na sakop noon ng Danelaw sa rehiyon ng York. Sa kasalukuyan, pinakamakikita ang impluwensiyang ito sa wikang Scots at sa Hilagang Ingles. Nakasentro ang impluwensiya ng mga Nordiko sa Lindsey sa Midlands. Matapos mapasailalim ang Lindsey sa kapangyarihan ng mga Anglo-Sahon noong taong 920, mabilis na kumalat ang Ingles sa naturang rehiyon. Sa modernong Ingles, ang impluwensiya ng mga Nordiko ay makikita sa panghalip sa ikatlong katauhan na nagsisimula sa th- ('sila', 'nila', 'kanila': they, them, their), na siyang pumalit sa mga orihinal na panghalip ng Anglo-Sahon na nagsisimula naman sa h- (hie, him, hera).[25] Makikita rin ito sa mga hiram na salita na pumalit sa mga katutubong Lumang Ingles kagaya ng give ('magbigay'), get ('kumuha'), sky ('langit'), skirt ('palda'), at egg ('itlog'). Mauunawaan ang Lumang Nordiko nang maayos-ayos ng mga mananalita ng ilang mga dayalekto ng Lumang Ingles, lalo na sa may hilaga.[26]

Gitnang Ingles

Englischmen þeyz hy hadde fram þe bygynnyng þre manner speche, Souþeron, Northeron, and Myddel speche in þe myddel of þe lond, ... Noþeles by comyxstion and mellyng, furst wiþ Danes, and afterward wiþ Normans, in menye þe contray longage ys asperyed, and som vseþ strange wlaffyng, chyteryng, harryng, and garryng grisbytting.

[Bagamat sa simula pa lamang, may tatlong paraan na ang mga Ingles sa pagsasalita, yaong nasa Katimugan, nasa Hilaga, at nasa Midlands sa gitna ng bansa, ... Gayunpaman, dahil sa pakikihalubilo at paghahalo, umusbong ang wika ng bansa mula sa mga ito, habang may iilan na gumagamit pa rin ng kakaibang pag-uutal, daldalan, ungol, at nakakarinding ngitngitan.]

Juan ng Trevisa, c. 1385[27]

Karaniwang pinepetsahan ang pagsisimula ng Gitnang Ingles sa pananakop ng mga Normando sa Britanya mula noong 1066. Sa mga sumunod na siglo pagkatapos, sumailalim ang Ingles sa matinding impluwensiya ng anyo ng Lumang Pranses na sinasalita ng mga Normando na nanirahan sa Inglatera at naging bago nitong namumunong uri; kilala ito ngayon bilang Lumang Normando. Sa paglipas ng mga dekada, pawang mga naging bihasa sa dalawang wika ang parehong gitna at nakatataas na uri ng lipunan, mapa-Ingles man o Normando. Pagsapit ng 1150, bihira na lang sa panahong ito ang mga miyembro ng aristokrasya na marunong lamang ng Pranses.[28] Kalaunan, nalinang ang wikang Pranses na ginagamit ng mga Normando bilang wikang Anglo-Normando.[29] Matuturo rin ang paghihiwalay ng Luma sa Gitnang Ingles sa kapanahunan ng paggawa sa komposisyong Orculum ng Agustinong kanon na si Orrm noong ika-12 siglo, na nagtatampok sa paghahalo ng mga elemento ng Lumang Ingles at Anglo-Normando sa kauna-unahang pagkakataon.[30]

Samantala, nanatili pa ring marunong lamang sa Ingles ang mababang uri, na kumakatawan sa napakalaking bahagdan ng populasyon. Sa panahong ito, maraming hiram na salita ang ginamit nila na may kinalaman sa politika, batas, at iba pang mga prestihiyosong gawain.[31] Halimbawa, nagmula sa Pranses na trône ang salitang Ingles na throne, na tumutukoy sa pisikal na inuupuan ng isang hari gayundin sa metaporikal na kapangyarihan nito.[32] Naging simple rin sa panahong ito ang mga impleksiyon ng Ingles, maaaring dahil sa paghahalo ng Lumang Nordiko at Lumang Ingles, na pawang parehas sa morpolohiya ngunit magkaiba ng impleksiyon. Nawala rin ang pagkakaiba ng kaukulang palagyo (nominatibo) at palayon (akusatibo) maliban sa mga panghalip panao, nawala rin ang kaukulang pagamit (instrumental), at naging para lamang sa pag-aari ang kaukulang paari (henetibo). Naging regular din ang maraming mga di-regular na anyo ng impleksiyon,{{sfn|Lass|1992|pp=103–123} at naging payak rin ang sistema ng kasunduan sa mga pangungusap, na humantong sa isang hindi gaanong malayang ayos ng salita.[33]

Ilan sa mga sikat na panitikang naisulat sa Gitnang Ingles ang Mga Kuwento sa Canterbury (c. 1400) ni Geoffrey Chaucer at Ang Kamatayan ni Arturo (1485) ni Thomas Malory. Naging talamak sa panahong ito ang paggamit sa panitikan ng dayalekto ng mga rehiyon, kagaya sa mga gawa ni Chaucer.[34] Mababasa sa unang salin sa Ingles ni John Wycliffe sa Bibliya noong 1382 ang Mateo 8:20 bilang: "Foxis han dennes, and briddis of heuene han nestis" ('May mga lungga ang mga soro, at may mga pugad ang mga ibon sa langit').[35] Mapapansin rito na may hulaping -n pa rin sa pandiwang have ('magkaroon') pero wala na sa mga pangngalan.

Maagang Modernong Ingles

Ang Malawakang Pagbabago ng Patinig na naganap sa mga mahahabang patinig ng Maagang Modernong Ingles. Matapos naging mga diptonggo /ai au/ ang mga nakabukang patinig /iː uː/, umangat nang isang antas kalaunan ang bawat nakasarang patinig upang matumbasan ang pagbabago.

Saklaw ng Maagang Modernong Ingles ng ika-14 hanggang ika-18 siglo ang pagsimple pa lalo na sistema ng impleksiyon, pagsasakodigo sa wika, at ang tinatawag na Malawakang Pagbabago sa Patinig, kung saan nagsimulang lumipat ang mga patinig sa mga salitang Ingles patungo sa modernong bigkas nito. Umangat ang mga gitna at nakabukang patinig at nahati bilang mga diptonggo ang mga nakasarang patinig. Halimbawa, binibigkas noon ang salitang Ingles na bite ('kagat', binabasa bayt) bilang beet ('remolatsa') sa kasalukuyan, at binibigkas naman noon ang bout sa about ('tungkol', binabasa abawt) bilang boot ('bota') sa kasalukuyan. Ito ang dahilan kung bakit may malaking pinagkaiba ang pagbigkas sa mga salitang Ingles at sa pagbaybay sa mga ito; ito rin ang dahilan bakit maraming pwedeng maging tunog ang bawat patinig ng Ingles kumpara sa ibang mga wika.[36][37]

Nagsimula maging prestihiyoso ang paggamit sa wikang Ingles, kumpara sa Normandong Pranses, sa kasagsagan ng kapanahunan ni Enrique V ng Inglatera. Sinimulang gamitin ng Court of Chancery sa Westminster ang Ingles sa mga opisyal na dokumento nito noong bandang 1430, at nabuo dahil rito ang isang bagong pamantayang anyo ng Gitnang Ingles na tinatawag na Pamantayang Chancery mula sa mga dayalekto ng London at Silangang Midlands. Noong 1476, ipinakilala ni William Caxton sa Inglatera ang palimbagan, na lalong nagpalawak pa sa impluwensiya ng naturang pamantayan ng Ingles.[38]

Kabilang sa mga panitikang nakasulat sa Maagang Modernong Ingles ang mga gawa ni William Shakespeare gayundin ang Bersiyon ni Haring Jaime (KJV) ng Bibliya noong 1611. Bagamat halos katulad na ng modernong bigkas at baybay ang mga salita sa puntong ito, may mga pagkakaiba pa rin sa bigkas mula sa modernong Ingles, kagaya ng pagbigkas pa rin sa mga kumpol-katinig na /kn ɡn sw/ sa knight ('kabalyero'), gnat ('niknik'), at sword ('espada'), na sa ngayo'y pawang mga di na binibigkas ang isa sa mga katinig nito.[b] Ilan sa mga tampok ng Maagang Modernong Ingles na ginamit ni Shakespeare ay maituturing na'ng laos o makaluma sa modernong mambabasa nito.[39] Mababasa ang Mateo 8:20 sa KJV bilang: "The Foxes have holes and the birds of the ayre have nests." ('May mga lungga ang mga soro habang may mga pugad ang mga ibon ng himpapawid.') Dito, mapapansin ang pagkawala ng mga kaukulan at ang resulta nito tulad halimbawa ng paggamit sa ayos na paksa–pandiwa–layon (subject–verb–object) at sa salitang of bilang pamalit sa nawalang kaukulang paari. Makikita rin dito ang mga hiram na salitang nagmula sa Pranses kagaya ng ayre (ngayo'y air, 'himpapawid') at sa ibang mga kaso, nagpalit mismo sa katutubong salita nito tulad ng bird ('ibon') na pumalit sa Lumang Ingles na fugol.[40]

Pagkalat

Pagsapit ng huling bahagi ng ika-18 siglo, naipakalat ng Imperyong Britaniko ang wikang Ingles sa mga teritoryo at nasasakupan nito. Dahil sa paggamit sa kalakalan, agham at teknolohiya, diplomasya, sining, at pormal na edukasyon, Ingles ang naging pinakaunang tunay na pandaigdigang wika, na ginagamit sa pandaigdigang komunikasyon.[41][42] Ginamit ito sa Hilagang Amerika, ilang bahagi ng Aprika, Oseaniya, at iba pang mga rehiyon. Nang lumaya ang mga bansang may maraming katutubong wika, Ingles ang ginamit nilang opisyal na wika upang maiwasan ang mga politikal na balakid dahil sa paggamit sa isang katutubong wika kesa sa iba.[43][44][45] Bumilis pa lalo ang pagkalat ng wika dahil sa mabilis na paglaki ng impluwensiya sa kultura at politika ng Estados Unidos matapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, gayundin sa pagbobrodkast sa buong mundo sa wikang Ingles ng mga brodkaster tulad ng BBC ng Reyno Unido.[46][47] Ingles ang pinakaginagamit na wika sa ika-21 siglo.[48]

Habang nalilinang ang modernong Ingles, nabuo ang mga pamantayang gabay para sa wika, na ginamit kalaunan sa opisyal na paraan kagaya halimbawa sa pampublikong edukasyon at pahayagan. Noong 1755, nilathala ni Samuel Johnson ang Dictionary of the English Language, na nagpakilala sa pamantayang pagbaybay at paggamit sa mga salita. Samantala, nilathala naman ng Amerikanong si Noah Webster noong 1828 ang isang diksiyonaryo na may layuning makapagtatag ng isang pamantayang anyo sa pagsusulat at pagsasalita ng Amerikanong Ingles na hiwalay sa pamantayan ng Britanya. Sa Britanya, unti-unting bumaba ang tingin sa mga dayalekto at barayti ng Britanikong Ingles na wala sa pamantayan, na nagpabilis sa paggamit ng mga prestihiyosong dayalekto ng mga nasa gitnang uri.[49]

Sa modernong Ingles, wala na halos mga kaukulan; tanging makikita na lang ito sa mga panghalip. Halos matatag na rin ang paksa–pandiwa–layon (SVO) na ayos ng salita.[49] Naging talamak na rin ang paggamit sa ilang mga pagbabago sa wika kagaya ng paggamit ng salitang do para sa mga kaso kung saan kinakailangang baliktarin ang mga sugnay tulad sa mga tanong.[c] Dumami rin ang mga kaso ng paggamit sa anyong progresibo (mga nagtatapos sa hulaping –ing ng pandiwa, at tuloy-tuloy ring nagiging regular ang mga pandiwang may di-regular na anyo (hal. dreamed ('napanaginipan') imbes na dreamt) gayundin sa paggamit pa lalo sa mga analitikal na alternatibo sa mga impleksiyon (hal. more polite ('mas magalang') imbes na politer). Dahil sa tindi ng presensiya sa midya ng Amerikanong Ingles, naiimpluwensiyahan na rin pati ang Britanikong Ingles.[50][51][52]

Heograpiya

  Katutubong wika ng mayorya
  Katutubong wika ng mayorya at isa sa mga opisyal na wika
  Opisyal na wika pero katutubong wika ng minorya
  Pangalawang wika: sinasalita ng lagpas 20% ng populasyon, de facto na wika ng trabaho, pamahalaan, edukasyon, atbp.[2]

Ayon sa isang ulat noong 2016, tinatayang nasa 400 milyong katao ang katutubong mananalita ng wikang Ingles, at nasa 1.1 bilyong katao naman ang nagsasalita nito bilang pangalawang wika.[53] Ingles ang wika na may pinakamaraming mananalita sa kabuuan, na sinasalita sa lahat ng kontinente.[54] Nakadepende ang dami ng mga mananalita bilang pangalawang wika o bilang banyagang wika sa antas ng kagalingan, mula 400 milyon hanggang lagpas 1 bilyon.[55] Tinataya naman noong 2003 na mas marami ang mananalita ng Ingles bilang pangalawang wika kumpara sa mga katutubong mananalita nito nang tatlo sa isa.[56]

Tatlong bilog ng Ingles

Kagalingan sa wikang Ingles ng piling mga bansa sa Europa at Mediteraneo ayon sa isang ulat noong 2019:[57]
  Napakataas (63.07–70.27)
  Mataas (58.26–61.86)
  Katamtaman (52.50–57.38)
  Mababa (48.69–52.39)
  Napakababa (40.87–48.19)
  Hindi kasama sa ulat

Grinupo ng lingwistang si Braj Kachru ang mga bansa sa mundo sa tatlong bilog ayon sa antas ng paggamit sa wikang Ingles rito. Ipinapakita ng modelong ito ang pagkalat ng Ingles mula sa mga katutubong bansa nito patungo sa iba, gayundin sa dami ng gumagamit nito sa isang partikular na bansa. Tinatawag ang tatlong bilog bilang "loob", "labas", at "lumalawak". Maaaring gumalaw ang mga bansa papaloob o papalabas depende sa magiging kahihinatnan ng wika rito sa hinaharap.[58][59]

  • Loobang bilog (inner circle) ang mga bansa na may malaking porsyento ng populasyon ang katutubong mananalita ng Ingles. Kabilang rito ang Reyno Unido, Estados Unidos, Kanada, Australia, Nueva Selanda, Irlanda, at Timog Aprika.[58]
  • Labas na bilog (outer circle) ang mga bansa na may mas maliit na bilang ng mga katutubong mananalita ng Ingles ngunit ginagamit bilang pangalawang wika para sa mga pang-araw-araw na gawain at institusyon kagaya sa edukasyon, pamahalaan, at negosyo. Kabilang rito ang Pilipinas, gayundin ang Nigeria, India, Pakistan, Malasya, Singapura, at Hamayka.[60]
  • Lumalawak na bilog (expanding circle) ang mga bansa kung saan hindi karaniwang sinasalita ang Ingles at tinuturo bilang isang banyagang wika. Sa mga bansang ito kumakalat ang wikang Ingles dahil sa katayuan nito bilang isang pandaigdigang wika.[61]

Plurisentrikong wika

Isang plurisentrikong wika ang Ingles; ibig sabihin, wala itong iisang pambansang otoridad na namamahala sa pamantayan ng wika.[62][63][64] Madalas na sinusundan ng sinasalitang Ingles lalo na sa brodkasting ang mga pambansang pamantayan sa pagbigkas na kinagisnan imbes na isinakodigo. Karaniwang malalaman sa kanilang aksent kung saan nagmula ang mga brodkaster,[65] pero madalas na sinusulat ang iskrip sa mga balita sa isang pandaigdigang anyo ng pamantayang Ingles. Tipikal na dinidikta ng konsenso mula sa mga iskolar ng wika ang mga karaniwang gawi sa pagsusulat sa Ingles, hindi mula sa isang pamahalaan o pandaigdigang organisasyon.[66]

Maiintindihan ng mga Amerikanong tagapakinig ang maraming brodkast na nagmula sa Britanya at kabaligtaran. Maiintindihan ng mga mananalita ng Ingles ang karamihan sa kahit anong mga programa sa radyo at telebisyon gayundin sa mga pelikulang nagmula sa mga bansang nagsasalita ng Ingles.[67] Parehong may pormal at di-pormal na estilo ang pamantayan at panrehiyong barayti ng Ingles, at tanging nagkakaiba lamang sa mga salitang ginagamit (hal. lift sa Britanya habang elevator sa Amerika), sintaksis (hal. on the weekend sa Amerika habang at the weekend sa Britanya), at paggamit sa teknikal at di-teknikal na rehistro.[68]

Dahil sa kasaysayan ng paninirahan sa mga bansang nasa loobang bilog, nagawang maipantay ng Britanya ang pagkakaiba sa dayalekto at makagawa ng mga anyong koine ng Ingles sa Timog Aprika, Australia, at Nueva Selanda.[69] Mabilis na natutong mag-Ingles ang marami sa mga migranteng nanirahan sa Estados Unidos. Sa kasalukuyan, malaking bahagdan ng populasyon ng Estados Unidos ngayon ay kaya lamang magsalita ng iisang wika.[70][71]

Ukol sa pambansang katayuan ng wikang Ingles sa mga piling bansa,

  • Sa Australia, walang itinalagang opisyal na wika sa parehong pambansa at pang-estadong lebel.[72]
  • Sa Kanada, parehong opisyal na wika sa pambansang lebel ang Ingles at Pranses.[73] Opisyal na wika (o isa sa mga opisyal na wika) rin sa anim na lalawigan at tatlong teritoryo ang Ingles, habang wala namang itinalagang opisyal na wika sa tatlong lalawigan. Sa Quebec, Pranses lamang ang tanging opisyal na wika nito.[74]
  • Sa Irlanda, Ingles ang itinalagang pangalawang wika ng bansa, habang Irlandes naman ang itinalagang unang wika.[75]
  • Bagamat mayorya ng populasyon ng Nueva Selanda ang nagsasalita ng Ingles, tanging Maori at ang pambansang wikang nakasenyas nito ang itinalagang opisyal na wika ng bansa.[76] [77]
  • Walang itinalagang opisyal na wika sa Reyno Unido. Gayunpaman, sa Gales at Hilagang Irlanda, Ingles ang isa sa mga opisyal na wika nito.[78][79] Walang itinalagang opisyal na wika sa Eskosya at Inglatera.
  • Sa Estados Unidos, Ingles ang itinalagang opisyal na wika ng bansa sa bisa ng isang kautusang tagapagpaganap noong 2025.[80] Opisyal na wika (o isa sa mga opisyal na wika) ang Ingles sa 32 estado at limang teritoryo. Walang itinalagang opisyal na wika sa natitirang 18 estado at sa Distrito ng Columbia.[81]

Pandaigdigang wika

Katayuan ng wikang Ingles sa pampublikong edukasyon sa bawat rehiyon:[82]
  Kinakailangang asignatura
  Mapipiling asignatura
  Walang datos

Inilalarawan minsan ang wikang Ingles bilang ang pinakaunang pandaigdigang lingua franca,[46][83] o di kaya'y bilang ang pinakaunang pandaigdigang wika.[84][85] Pinakaginagamit na wika ang Ingles pagdating sa paglalathala, telekomunikasyon, kalakalan, libangan, at diplomasya.[85] Nakamit nito ang pagkapantay sa wikang Pranses noong 1919 sa kasagsagan ng negosasyon sa Kasunduan sa Versailles.[86] Pagsapit ng pagtatag sa Mga Nagkakaisang Bansa noong 1945, naging pangunahing wika na ang Ingles;[87] isa ito sa anim na opisyal na wika ng naturang organisasyon at ang kasalukuyang pinakaginagamit na wika sa pandaigdigang diplomasya at pakikipag-ugnayan.[88][89] Nakatalaga ang Ingles bilang isang opisyal na wika o di kaya'y wika ng trabaho sa maraming mga pandaigdigang organisasyon kagaya ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko (IOC), Ginagamit rin ito bilang wika ng trabaho kahit maging sa mga panrehiyong organisasyon kagaya ng Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya (ASEAN) at Ekonomikong Kooperasyon sa Asya-Pasipiko (APEC), kung saan hindi gaanong kalaganap ang paggamit sa naturang wika sa mga kasaping bansa nito. Sa Unyong Europeo (EU), Ingles ang karaniwang ginagamit na wika ng trabaho ng mga kasaping bansa nito kahit na pinapayagan ng unyon na gumamit ang mga kasapi nito ng kahit anong wika.[90] Ingles ang ginagamit na basehan sa mga kontroladong likas na wika,[91] gayundin bilang ang wikang ginagamit sa larangan ng paglalayag at pagpapalipad.[92][93]

English Proficiency Index noong 2014:[94]
  Napakataas (80–100%)
  Mataas (60–80%)
  Katamtaman (40–60%)
  Mababa (20–40%)
  Napakababa (0.1–20%)
  Walang datos

Wikang Ingles ang pinaka-inaaral na banyagang wika sa mundo.[46][47] Nag-aaral ang karamihan sa mga tao ng Ingles dahil sa praktikal na kadahilanan at hindi sa ideolohiya.[95] Sa EU, Ingles ang pinakasinasalitang banyagang wika sa 19 sa 25 kasaping bansa nito kung saan hindi opisyal na wika ito. Ayon sa isang opisyal na poll noong 2012 (noong kasapi pa ang Reyno Unido) sa mga kasaping bansa na hindi opisyal na wika ang Ingles, 38% ng mga sumagot ay nagsabing kaya nilang makapagsalita ng Ingles sa antas ng pakikipag-usap sa iba.[96] Kinokonekta ang matinding impluwensiya ng Ingles sa pagbilis ng kamatayan ng ibang mga maliliit na wika;[97] dahil rito, inaakusahan din ang wika ng imperyalismo at marami rin ang aktibong tumututol sa paggamit nito.[98] Gayunpaman, patuloy pa ring dumadami ang mga mananalita ng Ingles dahil sa paniniwalang nagdadala ng kaginhawaan at mas mabuting buhay ang paggamit nito.[99]

Kinakailangang marunong sa wikang Ingles sa maraming mga larangan kagaya ng sa medisina at kompyuting. Bagamat magkasingpantay noon ang Ingles sa Pranses at Aleman pagdating sa pananaliksik, Ingles na ang natatanging nananaig na wika sa kasalukuyan.[100] Makikita ang dominasyon nito sa maagham na paglalathala sa mga indeks ng mga siyentipikong dyornal kagaya ng Chemical Abstracts: noong 1998, nasa lagpas 80% ng lahat na naka-indeks na siyentipikong artikulo ng dyornal ang nakasulat sa Ingles, 90% sa mga likas na agham noong 1996, at 82% sa araling pantao noong 1995.[101]

Sa kasagsagan ng dekolonisasyon sa Imperyong Britaniko noong dekada 1950s at 1960s, patuloy na ginamit ng mga lumayang kolonya ang wikang Ingles imbes na alisin ito sa mga wika ng kanilang bansa.[44][45] Halimbawa, patuloy na ginagamit sa India ang Ingles matapos nitong lumaya sa Reyno Unido. India ngayon ang ikatlong may pinakamaraming inilalathalang aklat sa naturang wika matapos ng Estados Unidos at Reyno Unido,[102] kahit na di lalagpas sa 5% ng populasyon nito ang marunong magsalita ng Ingles nang maayos. Noong 2004, ipinagpalagay ng iskolar na si David Crystal na India ang may pinakamalaking populasyon na kayang magsalita o makaunawa ng Ingles sa mundo,[103] bagamat marami ring iskolar na naniniwalang Estados Unidos pa rin ang may hawak sa naturang titulo.[104] Marami sa mga mananalita ng Ingles Aprika ang bahagi ng pamayanang "Apro-Sakson" ng kontinente.[105] Pinaniniwalaan na mananatili ang Ingles bilang isang wikang koine sa hinaharap.[106]

Dayalekto, aksent, at barayti

Maraming mga dayalekto ng wikang Ingles ang natukoy ng mga dayalektologo, na kumakatawan sa panrehiyong pagkakaiba pagdating sa balarila, bokabularyo, at pagbigkas. Naiiba ito sa mga panrehiyong aksent, na tanging tumutukoy lamang sa pagkakaiba sa pagbigkas. Karaniwang hinahati ng mga lingwista ang wikang Ingles sa dalawang malalawak na kategorya, Britanikong Ingles (BrE) at Hilagang Amerikanong Ingles (NAE).[107]

Britanya at Irlanda

Mga pangunahing rehiyon ng mga dayalekto ng wikang Ingles sa Britanya at Irlanda.

Dahil sinasalita na ang wikang Ingles sa Britanya sa nakalipas na humigit-kumulang 1,500 taon, maraming mga dayalekto ng wika ang nabuo rito.[108] Sa Reyno Unido, itinuturing ang Received Pronunciation (RP, lit. na'Tamang Pagbigkas'), isang edukadong aksent na nagmula sa Timog-silangang Inglatera, bilang ang tradisyonal na pamantayang ginagamit sa brodkasting partikular na ang BBC (kaya tinatawag din itong BBC English, lit. na'Ingles ng BBC') at kinokonsidera bilang pinaka-prestihiyoso sa lahat ng mga dayalekto ng bansa. Ang mabilis na pagkalat ng aksent na ito dahil sa midya ang siyang itinuturong dahilan sa mabilis ding pagbaba ng paggamit sa mga panlalawigang aksent. Napag-alaman sa Sarbey ng mga Dayalekto ng Ingles noong 1950 hanggang 1951 na bagamat may pagkakaiba pa rin sa balarila at bokabularyo ang mga dayalekto ng wikang Ingles sa Reyno Unido, mapapansing kumokonti ang pagkakaibang ito sa paglipas ng panahon.[109]

Gayunpaman, tanging naapektuhan lamang ang mga pagkakaiba ng mga dayalekto pagdating sa balarila at bokabularyo. Nasa 3% lamang ng mga Ingles ang aktuwal na gumagamit ng RP sa karaniwang usapan; ginagamit ng natirang 97% ang mga panrehiyong aksent na naimpluwensiyahan lamang ng RP sa iba't ibang antas.[110] Meron ding pagkakaiba sa mga gumagamit ng RP, lalo na sa panlipunang uri sa pagitan ng RP ng Mataas at Mababang Uri gayundin sa katutubong mananalita ng RP at sa mga gumagamit ng RP pero hindi lumaki sa naturang aksent.[111] Sa Britanya, may maituturing ding pagkakaiba sa pagitan ng mga panlipunang uri; kinokonsidera bilang taliwas sa pamantayan ang ilang mga katangian kahit na di-hamak na laganap ito na madalas ding idinidikit sa pananalita ng mabababang uri. Halimbawa nito sa kasaysayan ang pagtatanggal ng h ng mga mabababang uring mananalita ng Ingles ng London, lalo na ang Cockney, na ngayo'y isa na'ng karaniwang katangian ng naturang dayalekto. Gayunpaman, nananatili pa rin itong wala sa rehistro ng mga matatataas na uri ng lipunang Britaniko.[112]

Mahahati sa apat na pangunahing rehiyon ng dayalekto ang Ingles sa Inglatera: Timog-silangan, Timog-kanluran (kilala ring Ingles ng West Country), Midlands, at Hilaga. Sa bawat rehiyon na ito, meron ding mga dayalekto: nahahati ang Hilaga sa mga dayalektong Yorkshire, Geordie (sinasalita sa Newcastle), at Lanchashire, na kinabibilangan ng mga suburbanong dayalekto ng Manchester (Mancunian) at Liverpool (Scouse). Dahil sa pagiging sentro ng pananakop ng mga Danes noong kapanahunan ng mga Viking sa Inglatera, nanatili ang mga Nordikong katangian sa wika sa mga dayalektong ito kesa sa ibang mga rehiyon, lalo na sa dayalektong Yorkshire.[113] Samantala, sa Kanlurang Midlands, naipreserba naman sa mga dayalektong tulad ng Black Country (Yam Yam) at sa Birmingham (Brummie) ang mga arkaikong katangian mula sa maagang moderno at Gitnang Ingles kagaya ng mga Hermanikong elemento sa balarila at bokabularyo.[114]

Simula noong ika-15 siglo, nakasentro sa London ang mga dayalekto ng Timog-silangang Inglatera. Tradisyonal na ginagamit doon ang dayalektong Cockney ng mga mabababang uri kaya mababa rin ang tingin dito. Dahil sa pagkalat ng mga katangian ng Cockney sa ibang mga dayalekto sa rehiyon, kinokonsidera ng midya ito bilang isang bagong dayalekto ng Estuaryong Ingles, bagamat tutol dito ang ilang mga lingwista dahil sa impluwensiya ng London sa karatig-lugar nito noon pa man.[115][116] Ilan sa mga katangiang kumalat mula London ang mga sumusunod:[117]

  • sumisingit na R, pagbigkas ng salitang drawing ("pagguhit") bilang drawring /ˈdrɔːrɪŋ/ kung saan sumisingit sa isang bahagi ng salita ang tunog na r.
  • glotalisasyon ng t, pagbigkas sa Potter bilang Po'er /ˈpɒʔə/ kung saan pinapalitan ang tunog na t ng impit)
  • paghaharap ng th, pagbigkas sa thanks ("salamat") bilang fanks o bother ("abala") bilang bover kung saan nagiging f o v ang tunog na th.

Kinokonsidera na ngayon bilang hiwalay na wika ang wikang Scots, pero nagmula ito sa maagang Hilagang Gitnang Ingles,[118] at nadebelop at naimpluwensiyahan kalaunan ng ibang mga wika kagaya ng wikang Gaeliko at Lumang Nordiko. Nagtataglay din ng maraming dayalekto ang wikang Scots. Bukod dito, kabilang ang Ingles ng Eskosya sa mga barayti ng pamantayang Ingles sa Eskosya; karamihan sa mga ito ay mga dayalekto ng hilagang Inglatera na naimpluwensiyahan ng wikang Scots.[119]

Samantala, sa Irlanda, maraming mga anyo ng wikang Ingles ang nagsimulang gamitin matapos ang pananakop ng mga Anglo-Norman sa naturang rehiyon noong ika-11 siglo. Sa kondado ng Wexford at sa rehiyong pumapalibot sa Dublin nadebelop ang dalawang dayalekto na ngayo'y wala na, Forth and Bargy at Fingallian. Parehong nagmula ito sa Maagang Modernong Ingles at ginamit hanggang noong ika-19 na siglo. Gayunpaman, nagmula ang modernong anyo ng wikang Ingles sa Irlanda sa kolonisasyon ng mga Ingles simula noong ika-17 siglo. Sa kasalukuyan, nahahati ang Ingles ng Irlanda sa Ingles ng Ulster, Ingles ng Hilagang Irlanda na naimpluwensiyahan nang matindi ng wikang Scots, at marami pang mga dayalekto sa Irlanda. Kagaya ng dayalekto ng Eskosya gayundin ng karamihan sa mga dayalekto ng Hilagang Amerika, nananatili ang rotosidad sa halos lahat ng mga dayalekto sa naturang rehiyon di tulad ng mga dayalektong naimpluwensiyahan ng RP.[120][121]

Hilagang Amerika

Bahagdan ng mga Amerikanong edad lima pataas sa 50 estado, Washington DC, at Puerto Rico na nagsasalita ng wikang Ingles sa tahanan, ayon sa American Community Survey, isang sarbey na isinagawa noong 2016 hanggang 2021

Dahil sa mataas-taas na antas ng paghahalo, akomodasyon, at koinesasyon na naganap noong panahong kolonyal sa Hilagang Amerika, itinuturing ang mga dayalekto ng wikang Ingles sa kontinente bilang walang pinagkaiba sa isa't isa kumpara sa Inglatera. Gayunpaman, ipinapakita sa modernong pananaliksik na may mga pagkakaiba rin ang mga dayalekto at barayti ng wika sa Hilagang Amerika. Tumataas ang baryasyon sa aksent sa Estados Unidos sa panrehiyong antas pero bumababa sa lokal na antas,[122] bagamat nananatili pa rin itong nasa isang kontinuo ng mga magkakaparehong aksent na kilala sa tawag na Pangkalahatang Amerikano (GA).[123]

Kinokonsiderang bahagi ng Pangkalahatang Amerikano ang mga barayti ng wikang Ingles ng Canada maliban sa rehiyong Atlantiko ng bansa gayundin sa Quebec, bagamat may mga maliliit na pagkakaiba sila sa mga aksent ng Estados Unidos kagaya ng pagtaas ng mga patinig na // at // bago ang mga di-matutunog na katinig at mga pagkakaiba sa pagsusulat at pagbigkas sa mga salita.[124] Kabilang sa Ingles ng Atlantikong Canada ang Maritime at Newfoundland, at naimpluwensiyahan ng wikang Ingles ng Britanya at Irlanda, gayundin ng mga wikang Irlandes, Gaeliko, at Pranses, partikular na ang barayti na Acadia.[125]

Karamihan sa mga aksent ng Hilagang Amerika ay pawang mga rotiko; ibig sabihin, binibigkas nila ang tunog na r. Di tulad ng sitwasyon sa Britanya, itinuturing itong prestihiyoso lalo na sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig,[126] kung saan hinahanay ang di pagbigkas sa r sa mga mababang uri at di nakapagtapos. Sa kasalukuyan, nananaig na ang rotosidad sa Ingles ng Katimugang Amerika, mula sa historikal na pagkaprestihiyoso ng di pagbigkas sa r.[127][128] Karaniwang inilalarawan ang mga aksent nito bilang twang (may katangian ng pailong) o drawl (pinapahaba),[129] at natutukoy agad dahil sa pagbubura ng patinig na /aɪ/ sa pagbigkas sa mga salitang tulad ng spy ("espiya"), na binibigkas na parang spa, ang paghahati sa mga harapang patinig bilang mga madudulas na patinig o maging dalawang hiwalay na pantig (hal. press "midya" na binibigkas na parang prey-us),[130] ang pag-iisa ng bigkas sa pen ("panulat") at pin ("pantusok"), at iba pa. Karamihan sa mga pagbabagong ito ay nagsimula lamang noong ika-19 na siglo.[131]

Samantala, ginagamit naman ng nagtatrabaho at gitnang uri ng mga Aprikanong Amerikano ang Aprikanong Amerikanong Bernakulong Ingles (AAVE). Di tulad ng karamihan ng mga aksent sa kontinente, karaniwan itong di-rotiko. Nagmula ito sa mga inaliping Aprikano at Aprikanong Amerikano na naimpluwensiyahan ng mga di-pamantayang aksent ng Katimugang Estados Unidos. Gayunpaman, pinaniniwalaan ng ilang mga lingwista na nagmula ito sa mga wikang Aprikano na sinasalita ng mga alipin na napilitang gumawa ng isang pidgin o creole ng wikang Ingles upang magkaintindihan sila sa ibang mga aliping nagmula sa ibang lugar.[132] Dahil sa mga karaniwang katangian nito sa ibang mga aksent sa rehiyon, mabilis itong kumalat at ginamit sa lugar upang maging isa sa mga pangunahing aksent nito simula noong ika-19 at ika-20 siglo. Karaniwang hinahanay ang AAVE bilang isang anyo ng "pangit" na Ingles na sinasalita ng mga hindi edukado (kasama rin ang mga katimugang aksent ng mga Puti), bagamat unti-unti na itong kinikilala bilang isang ganap na barayti ng wikang Ingles.[133][134]

Australia at Nueva Selanda

Simula noong 1788, sinasalita na ang wikang Ingles sa kontinente ng Oseaniya, at nadebelop ang wikang Ingles ng Australia bilang ang pangunahing wika ng mga naninirahan sa Australia sa ilalim ng isang pangkalahatang aksent. Naging pangunahing wika rin ang wikang Ingles sa Nueva Selanda, bagamat hindi sa antas ng sa Australia.[135] Magkaugnay ang dalawang uri ng wikang Ingles, na nag-impluwensiya sa isa't isa kasama ang mga wikang Ingles ng Timog Aprika at ng Timog-silangang Inglatera. Tulad ng mga dayalektong ito, pawang mga di-rotiko rin ang mga wikang Ingles sa dalawang bansa, maliban sa pulong South sa Nueva Selanda. Partikular na kilala ang mga Ingles ng Australia at Nueva Selanda sa kanilang mga patinig: marami sa mga maiiksing patinig ang hinaharap o tinataas, habang nagiging mga diptonggo ang marami sa mga mahahabang patinig. Ipinapakita rin sa Ingles ng Australia ang pagtatangi sa mga maiiksi at mahahabang patinig, isang katangiang di nakikita sa ibang mga barayti ng wika. Humahanay rin ang balarila nito sa Britaniko at Amerikanong Ingles; kagaya ng sa Amerikanong Ingles, itinuturing ang mga pangngalang kolektibo bilang isahan (hal. ginagamit sa pangngalang kolektibo na government ang kopulang is imbes na ang katumbas nitong pangmaramihan na are).[136][137] Samantala, gumagamit naman ang Ingles ng Nueva Selanda ng mga harapang patinig na mas mataas pa kesa sa Ingles ng Australia.[138][139][140]

Timog-silangang Asya

Isa sa mga opisyal na wika ang wikang Ingles sa Pilipinas, kung saan talamak ang paggamit sa naturang wika lalo na sa industriya, negosyo, midya, at mga dokumento ng pamahalaan. Naging mahalaga ito sa bansa simula noong panahon ng mga Amerikano mula 1898 hanggang 1946.[141] Ginagamit din ang Taglish bilang isang anyo ng pagpapalitang-kodigo sa pagitan ng wikang Tagalog at Ingles.[142]

Aprika, Karibe, at Timog Asya

Madalas na sinasalita ang wikang Ingles sa katimugang Aprika, kung saan isa ito sa mga opisyal na wika ng mga bansa sa rehiyon. Sa Timog Aprika, sinasalita na ang wikang Ingles simula pa noong 1820 kasama ng wikang Afrikaans at mga wikang Aprikanong tulad ng mga wikang Khoe at Bantu. Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 9% ng populasyon ng Timog Aprika ang nagsasalita ng wikang Ingles ng Timog Aprika (SAE) bilang kanilang unang wika. Isang di-rotikong barayti ang SAE na sumusunod madalas sa RP. Isa ito sa mga kaunting di-rotikong barayti ng wikang Ingles na walang sumisingit na R. Nakadepende sa mga katutubong wika ng mananalita ang mga barayti ng pangalawang wika sa bansa. Pawang mga patinig ang karamihan sa mga pagkakaiba sa ponolohiya mula sa RP.[143] Kabilang sa mga pagkakaiba naman sa katinig ang tendensiya ng mga mananalita na bigkasin ang mga katinig na /p, t, t͡ʃ, k/ nang walang paghinga (hal. binibigkas ang pin ("pantusok") bilang [pɪn] imbes na [pʰɪn] tulad ng ibang mga barayti), habang binibigkas naman ang r bilang isang simpleng pakatal [ɾ] imbes bilang pasutsot.[144]

Sinasalita sa Nigeria ang isang barayti ng wikang Ingles, kung saan sinasalita ito sa iba't ibang antas ng humigit-kumulang 150 milyong katao. Bagamat tradisyonal na naimpluwensiyahan ng Britanikong Ingles, unti-unti na'ng naiimpluwensiyahan rin ito ng Amerikanong Ingles simula noong ika-20 siglo. Umusbong din ang mga natatanging salita at konsepto sa naturang barayti na ito upang punan ang mga pangkulturang konsepto na natatangi sa bansa.[145]

Kumalat ang mga barayti ng wikang Ingles sa mga dating sakop ng Gran Britanya sa Karibe, kabilang na ang Hamayka, kapuluang Leeward at Windward, Trinidad at Tobago, Barbados, kapuluang Kayman, at Belise. May mga sari-sariling barayti ng Ingles ang mga ito, gayundin ng mga wikang creole na nakabatay sa Ingles at mga wikang Aprikano. Pinakaprominente sa mga ito ang Ingles ng Hamayka at ang wikang creole nito. Sa Gitnang Amerika, sinasalita ang mga wikang creole na nakabatay sa Ingles sa mga rehiyon ng Nicaragua at Panama na nakaharap sa Karibe.[146] Karaniwang bihasa ang mga mananalita sa mga ito sa parehong barayti ng Ingles at ng creole, at talamak ang pagpapalitang-kodigo sa mga ito. Inilalarawan ang sitwasyong ito bilang isang bahagi ng kontinuo kung saan itinuturing na pormal na rehistro ang mga barayti ng Ingles habang di-pormal naman ang mga wikang creole.[147]

Karamihan sa mga barayti ng wikang Ingles sa Karibe ay nakabatay sa Britanikong Ingles, kaya naman karamihan din sa mga ito ay pawang mga di-rotiko maliban sa pormal na rehistro ng wikang Ingles ng Hamayka, na karaniwang rotiko. Naiiba ang barayti na ito mula sa RP sa imbentaryo ng patinig nito, na itinatangi sa haba imbes sa diin tulad ng pamantayang wikang Ingles. Mga monoptonggo na [eː] at [oː] ang mga diptonggong /ei/ at /ou/. Minsan ding binibigkas ang [ie] at [uo] bilang kabaligtaran ng isa't isa (hal. binibigkas ang bay ("look") bilang [bʲeː]). Karaniwan ding tinatanggal ang huling bahagi ng isang kambal-katinig kung nasa dulo ito ng isang salita (hal. binibigkas ang child ("anak") bilang [t͡ʃail]),[148][149][150]

Samantala, sa India, karaniwang tinitingnan ang RP bilang ang "tamang" anyo ng wikang Ingles kaya ito rin ang ginagawang basehan para sa lokal na barayti nito. Matutukoy ang aksent ng Ingles ng India dahil sa pagbigkas sa mga ponemang tulad ng /t/ at /d/ bilang mga kaakibat nitong katinig sa dilang pulupot [ʈ] at [ɖ], pagpapalit sa mga ponemang /θ/ at /ð/ sa katumbas nitong katinig sa ngipin [t̪] at [d̪]. Binibigkas din minsan ng ilang mga mananalita ng barayti ang mga salita ayon sa eksakto nitong pagbaybay (hal. binibigkas ang /gh/ sa ghost bilang matunog na pasara na may paghinga [ɡʱ], kahit na tahimik na titik ang h sa salitang ito).[151]

Di-katutubong barayti

Maaaring iba ang pagbigkas sa mga salitang Ingles ang mga mananalitang hindi lumaki sa naturang wika. Dahil ito sa paglalapat nila sa ponolohiya ng kanilang wikang kinagisnan sa mga salitang ito o di kaya'y paggamit sa mga estratehiyang katulad sa mga paraan sa pagtuto bilang pangunahing wika. Humahantong kalaunan ang mga ito sa mga di-karaniwang pagbigkas sa mga salita na hindi matatagpuan sa mga barayti ng wikang Ingles.[152]

Ponolohiya

Nagkakaiba ang ponolohiya ng wikang Ingles depende sa dayalekto, ngunit madalas pa ring nagkakaunawaan ang mga mananalita nito kahit ganito. Nakakapekto ang barayti ng ponolohiya sa imbentaryo ng mga ponema, na siyang nagdidikta sa pagkakaiba sa ponetika at pagbigkas sa mga ponema. Inilalarawan ng bahaging ito ang mga pamantayang barayti ng wikang Ingles: Received Pronunciation ng Reyno Unido at General American (GA, lit. na'Pangkahalatang Amerikano') ng Estados Unidos.

Katinig

Nasa 24 na ponemang katinig ang marami sa mga dayalekto ng wikang Ingles; 26 kung isasama pati ang /x/ at /ʔ/. Tumpak para sa Ingles ng California at sa RP ang sumusunod na imbentaryo.

Mga ponemang katinig ng wikang Ingles
Labi Labi–ngipin Ngipin Gilagid Likurang gilagid Paleta Ngala-ngala Tagukan
Pailong m n ŋ
Pasara p b t d k ɡ (ʔ)
Pasara-sutsot
Pasutsot f v θ ð s z ʃ ʒ (x) h
Palapit Gitna ɹ j w
Gilid l

Inilalarawan ang mga bawat pares ng mga tunog na may harang (pasara, pasara-sutsot, pasutsot) bilang fortis at lenis ("malakas" at "mahina"). Sa bawat pares, una ang fortis habang pangalawa naman ang lenis. Mas matindi ang pagpapalabas ng hangin sa mga katinig na fortis at palaging di-matunog. Bahagya namang matunog ang mga katinig na lenis sa simula at dulo ng salita, at ganap na matunog kung nasa pagitan ng mga patinig. May mga karagdagang artikulasyon ang mga katinig na fortis sa ilang mga dayalekto, tulad halimbawa ng pag-ihip (hal. [pʰ]) kung mag-isa ito o nasa simula ng nakadiin na pantig. Sa mga salitang may iisang pantig, mas maiksi ang pagbigkas sa mga ito kumpara sa katumbas nitong lenis; halimbawa, mas mabilis bigkasin ang salitang nip ("kurot") kesa sa nib ("dulo ng panulat").[153]

May dalawang alopono ang katinig na palapit pagilid /l/ sa RP: [l] (hal. light [laɪt] "liwanag") na inilalarawan bilang malinaw, at [ɫ] (hal. full [fʊɫ] "puno [ng laman]") na inilalarawan naman bilang madilim.[154] Samantala, mas madalas na madilim na anyo ang ginagamit sa GA.[155]

Nawawalan ng tunog naman ang mga tunog na walang harang (malapatinig, pailong, likido) kapag sumusunod sa isang di-matunog na tunog na may harang, at palaging silabiko ang mga ito kapag sumusunod sa isang katinig sa dulo ng mga salita.[156]

Talababa

  1. Ingles: English /ˈɪŋɡlʃ/
  2. Hindi na binibigkas ang k at g sa /kn/ at /gn/, habang di naman binibigkas na ang w sa /sw/.
  3. Isang halimbawa nito ang paggawa ng mga tanong sa pamamagitan ng pagbaliktad sa pandiwang pantulong (auxiliary verb, hal. is, are, am) at sa paksa: ang "He will laugh" ('Tatawa siya') ay nagiging "Will he laugh?" ('Tatawa ba siya?') sa anyong patanong nito. Gayunpaman, kung walang pandiwang pantulong, ginagamit ang salitang do bilang pamalit sa nawawalang pandiwa: ang "He laughs." ('Tumawa siya') ay nagiging "Did he laugh" ('Tumawa ba siya?'). Pansinin na nasa anyong pangnakaraan ang pandiwang do (did) rito.

Sanggunian

  1. "What are the top 200 most spoken languages?" [Ano-ano ang 200 pinaka-sinasalitang wika?]. Ethnologue (sa wikang Ingles). 2023. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Hunyo 2023.
  2. 2.0 2.1 Eberhard, David M.; Simons, Gary F.; Fennig, Charles D., mga pat. (2023). Ethnologue: Languages of the World [Ethnologue: Mga Wika ng Mundo] (sa wikang Ingles) (ika-26 (na) labas). Dallas, Estados Unidos: SIL International.
  3. Bammesberger 1992, pp. 29–30.
  4. König & van der Auwera 1994.
  5. Bazelmans 2009, pp. 325–326.
  6. Robinson 1992.
  7. Romaine 1982, pp. 56–65.
  8. Harbert 2006.
    • Bazelmans 2009, p. 326, "According to most researchers, this means that there cannot have been an 'original' Anglo-Frisian entity ..."
    • Stiles 2018, p. 31, "... It is not possible to construct the exclusive common relative chronology that is necessary in order to be able to establish a node on a family tree. The term and concept of 'Anglo-Frisian' should be banished to the historiography of the subject."
  9. Versloot 2017, pp. 341–342.
  10. Stiles 2018, pp. 5–6.
  11. Baugh, Albert (1951). A History of the English Language [Kasaysayan ng Wikang Ingles] (sa wikang Ingles). London: Routledge & Kegan Paul. pp. 60–83, 110–130.
  12. Collingwood & Myres 1936.
  13. Graddol, Leith & Swann et al. 2007.
  14. Blench & Spriggs 1999.
  15. Bosworth & Toller 1921.
  16. Campbell 1959, p. 4.
  17. Toon 1992, Chapter: Old English Dialects.
  18. Donoghue 2008.
  19. 20.0 20.1 Gneuss 2013, p. 23.
  20. Hogg & Denison 2006a, pp. 30–31.
  21. Hogg 1992a.
  22. Smith 2009.
  23. Trask 2010.
  24. Thomason & Kaufman 1988, pp. 284–290.
  25. Kastovsky 1992, pp. 320, 332.
  26. Hogg 2006, pp. 360–361.
  27. Townend 2012, pp. 81–82.
  28. Short, Ian (2002). "Language and Literature" [Wika at Panitikan]. A Companion to the Anglo-Norman World [Gabay sa Mundong Anglo-Normando] (sa wikang Ingles). Boydell and Brewer. pp. 191–214. doi:10.1017/9781846150463.011. ISBN 978-1-84615-046-3.
  29. Townend 2012, pp. 99–100.
  30. Svartvik & Leech 2006, p. 39.
  31. Baker, Curt (Spring 2016). "Effects of the Norman Conquest on the English Language" [Mga Epekto ng Pananakop ng mga Normando sa Wikang Ingles]. Tenor Times (sa wikang Ingles). 5.
  32. Fischer & van der Wurff 2006, pp. 111–113.
  33. Horobin, Simon. "Chaucer's Middle English" [Gitnang Ingles ni Chaucer]. The Open Access Companion to the Canterbury Tales (sa wikang Ingles). Louisiana State University. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Disyembre 2019. The only appearances of their and them in Chaucer's works are in the Reeve's Tale, where they form part of the Northern dialect spoken by the two Cambridge students, Aleyn and John, demonstrating that at this time they were still perceived to be Northernisms
  34. Wycliffe, John. "Bible" [Bibliya] (PDF) (sa wikang Ingles). Wesley NNU. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2 Pebrero 2017.
  35. Lass 2000a.
  36. Görlach 1991, pp. 66–70.
  37. Nevalainen & Tieken-Boon van Ostade 2006, pp. 274–279.
  38. Cercignani 1981.
  39. Lass 2006, pp. 46–47.
  40. How English evolved into a global language 2010.
  41. The Routes of English.
  42. Romaine 2006, p. 586.
  43. 44.0 44.1 Mufwene 2006, p. 614.
  44. 45.0 45.1 Northrup 2013, pp. 81–86.
  45. 46.0 46.1 46.2 Graddol 2006.
  46. 47.0 47.1 Crystal 2003a.
  47. McCrum, MacNeil & Cran 2003, pp. 9–10.
  48. 49.0 49.1 Romaine 1999a.
  49. Leech et al. 2009, pp. 18–19.
  50. Mair & Leech 2006.
  51. Mair 2006.
  52. Breene, Keith (15 Nobyembre 2019). "Which countries are best at English as a second language?" [Ano-anong mga bansa at pinakamagaling mag-Ingles bilang pangalawang wika?] (sa wikang Ingles). World Economic Forum. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Nobyembre 2016.
  53. Crystal 2003b, p. 106.
  54. Crystal 2003b, pp. 108–109.
  55. Crystal 2003a, p. 69.
  56. "EF English Proficiency Index 2019" (PDF) (sa wikang Ingles). pp. 6–7.
  57. 58.0 58.1 Kachru 2006, p. 196.
  58. Svartvik & Leech 2006, p. 2.
  59. Bao 2006, p. 377.
  60. Trudgill & Hannah 2008, p. 5.
  61. Trudgill & Hannah 2008, p. 2.
  62. Romaine 1999.
  63. Baugh & Cable 2002.
  64. Trudgill 2006.
  65. Ammon 2008, pp. 1537–1539.
  66. Svartvik & Leech 2006, p. 122.
  67. Trudgill & Hannah 2008, pp. 5–6.
  68. Deumert 2006, p. 130.
  69. Deumert 2006, p. 131.
  70. Ryan 2013, Table 1.
  71. Ward, Rowena (2019). "'National' and 'Official' Languages Across the Independent Asia-Pacific" ['Pambansa' at 'Opisyal' na mga Wika ng Malayang Asya-Pasipiko]. Journal of Multidisciplinary International Studies (sa wikang Ingles). 16 (1/2): 83–84. doi:10.5130/pjmis.v16i1-2.6510.
  72. "40 Years of the Official Languages Act" [40 Taon ng Official Languages Act] (sa wikang Ingles). Department of Justice Canada. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Abril 2013.
  73. "Charter of the French language" [Karta ng Wikang Pranses]. Légis Québec (sa wikang Ingles). Québec Official Publisher. 26 Marso 2024.
  74. "Article 8 of the Constitution of Ireland" [Artikulo 8 ng Saligang-batas ng Irlanda]. Irish Statute Book (sa wikang Ingles). Enero 2020.
  75. "Maori Language Act 1987" (sa wikang Ingles).
  76. "Recognition for sign language" [Pagkilala sa wikang nakasenyas]. Television New Zealand (sa wikang Ingles). 6 Abril 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Mayo 2011. Nakuha noong 21 Enero 2026.
  77. Huws, Catrin Fflur (Hunyo 2006). "The Welsh Language Act 1993: A Measure of Success?" [Ang Welsh Language Act 1993: Panukat sa Tagumpay?]. Language Policy (sa wikang Ingles). 5 (2): 141–160. doi:10.1007/s10993-006-9000-0.
  78. "Irish language and Ulster Scots bill clears final hurdle in Parliament" [Nalampasan na ng panukalang Irish language at Ulster Scots ang huling balakid nito sa Parlamento]. BBC News (sa wikang Ingles). 26 Oktubre 2022.
  79. Ho, Vivian; Pannett, Rachel (1 Marso 2025). "A Trump order made English the official language of the U.S. What does that mean?" [Ginawa sa bisa ng isang utos ni Trump ang wikang Ingles bilang opisyal na wika ng Estados Unidos. Ano'ng ibig sabihin nito?]. The Washington Post (sa wikang Ingles).
  80. "United States" [Estados Unidos]. The World Factbook (sa wikang Ingles). Central Intelligence Agency. 29 Mayo 2024. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Disyembre 2021. Nakuha noong 21 Enero 2026.
  81. "Countries in which English Language is a Mandatory or an Optional Subject" [Mga Bansa kung saan isang Kinakailangan o Mapipiling Asignatura ang Wikang Ingles] (sa wikang Ingles). The University of Winnipeg. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Oktubre 2022.
  82. Meierkord 2006, p. 165.
  83. Brutt-Griffler 2006, pp. 690–691.
  84. 85.0 85.1 Northrup 2013.
  85. Phillipson 2004, p. 47.
  86. Conrad & Rubal-Lopez 1996, p. 261.
  87. United Nations 2010.
  88. Richter 2012, p. 29.
  89. Ammon 2006, p. 321.
  90. Wojcik 2006, p. 139.
  91. International Maritime Organization 2011.
  92. International Civil Aviation Organization 2011.
  93. "Countries in which English Language is a Mandatory or an Optional Subject" [Mga Bansa kung saan isang Kinakailangan o Mapipiling Asignatura ang Wikang Ingles] (sa wikang Ingles). The University of Winnipeg. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Oktubre 2022.
  94. Kachru 2006, p. 195.
  95. European Commission 2012, pp. 21, 19.
  96. Crystal 2000.
  97. Jambor 2007.
  98. Svartvik & Leech 2006, Chapter 12: English into the Future.
  99. Gordin 2015.
  100. Brutt-Griffler 2006, pp. 694–695.
  101. Sailaja 2009, pp. 2–9.
  102. Crystal 2004.
  103. Graddol 2010.
  104. Mazrui & Mazrui 1998.
  105. Crystal 2006.
  106. Crystal 2003b, p. 107.
  107. Trudgill 1999, p. 10.
  108. Trudgill 1999, p. 125.
  109. Hughes & Trudgill 1996, p. 3.
  110. Hughes & Trudgill 1996, p. 37.
  111. Hughes & Trudgill 1996, p. 40.
  112. Hughes & Trudgill 1996, p. 31.
  113. Clark & Asprey 2013.
  114. Roach 2009, p. 4.
  115. Trudgill 1999, p. 80.
  116. Trudgill 1999, pp. 80–81.
  117. Aitken & McArthur 1979, p. 81.
  118. Romaine 1982.
  119. Barry 1982, pp. 86–87.
  120. Hickey 2007.
  121. Labov 2012.
  122. Wells 1982, p. 34.
  123. Boberg 2010.
  124. Labov, William; Ash, Sharon; Boberg, Charles (2006). The Atlas of North American English [Ang Atlas ng Ingles ng Hilagang Amerika] (sa wikang Ingles). Berlin: De Gruyter.
  125. Labov 1972.
  126. Levine & Crockett 1966.
  127. Schönweitz 2001.
  128. Montgomery 1993.
  129. Thomas 2008, pp. 95–96.
  130. Bailey 1997.
  131. Bailey 2001.
  132. Green 2002.
  133. Patrick 2006b.
  134. Eagleson 1982.
  135. Trudgill & Hannah 2002, pp. 16–21.
  136. Burridge 2010.
  137. Trudgill & Hannah 2002, pp. 24–26.
  138. Maclagan 2010.
  139. Gordon, Campbell & Hay et al. 2004.
  140. Dayag, Danilo (2008). "English-language media in the Philippines: Description and research" [Midya sa wikang Ingles sa Pilipinas: Paglalarawan at pananaliksik]. Mula sa Bautista, Ma. Lourdes; Bolton, Kingsley (mga pat.). Philippine English: Linguistic and Literary Perspectives [Pilipinong Ingles: Mga Pananaw sa Lingwistika at Panitikan] (sa wikang Ingles). Hong Kong: Hong Kong University Press. pp. 49–66. doi:10.5790/hongkong/9789622099470.003.0004. ISBN 978-962-209-947-0.
  141. Bautista, Maria Lourdes S. (2004). "Tagalog-English Code-switching as a Mode of Discourse" [Pagpapalitang-kodigo sa Tagalog-Ingles bilang Paraan ng Diskurso] (PDF). Asia Pacific Education Review (sa wikang Ingles). 5 (2): 226–233. doi:10.1007/BF03024960. S2CID 145684166. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 15 Mayo 2022.
  142. Lass 2002.
  143. Trudgill & Hannah 2002, pp. 30–31.
  144. Adegbija, Efurosibina (1989). "Lexico-semantic variation in Nigerian English" [Pagkakaibang leksikosemantiko sa Ingles ng Nigeria]. World Englishes (sa wikang Ingles). 8 (2): 165–177. doi:10.1111/j.1467-971X.1989.tb00652.x.
  145. Lawton 1982.
  146. Trudgill & Hannah 2002, p. 115.
  147. Trudgill & Hannah 2002, pp. 117–118.
  148. Lawton 1982, pp. 256–260.
  149. Trudgill & Hannah 2002, pp. 115–116.
  150. Sailaja 2009, pp. 19–24.
  151. Bjarkman, Peter C.; Hammond, Robert Matthew (1989). American Spanish Pronunciation [Pagbigkas ng wikang Kastila ng Amerika] (sa wikang Ingles). Washington, D.C.: Georgetown University Press. p. 226. ISBN 978-0-87840-099-7.
  152. Collins & Mees 2003, pp. 47–53.
  153. Trudgill & Hannah 2008, p. 13.
  154. Trudgill & Hannah 2008, p. 41.
  155. Brinton & Brinton 2010, pp. 56–59.

Pinagkunan

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.