Tablea

Tableya

Ang tablea o tableya ay isa sa mga produkto na nagmumula sa butil ng kakaw. [1] Ito ay galing sa purong butil ng kakaw na pinatuyo, isinangag at giniling o ginawang pulbos pagkatapos ay hinulma para maging hugis na katulad ng bloke, bilog na parang bola o kaya ay parang tableta.[2] Ang hugis na bilog ang pinakatanyag na hugis ng tableya. [3] Ang "tablea" ay isang salitang Kastila na nangangahulugan na tableta.[3]

Ang tableya ay karaniwang sangkap sa paggawa ng mainit na inumin na tsokolate. Tinatayang aabot sa 2,000 tonelada ng butil ng kakaw ang dumadaan sa proseso para maging tableya.[2]

Paano nagkaroon ng kakaw sa Pilipinas

Ang mga Kastila ang nagdala ng unang halamang kakaw sa Pilipinas noong 1670.[4] Dala ni Pedro Brabo de Lagunas, isang manlalayag na sakay ng isang Kastilang galyon, ang isang halamang kakaw na may uring Mesoamerican Criollo mula sa Acapulco sa Mexico patungong Pilipinas na dumaan ng dagat Pasipiko. Ang kakaw ay ibibigay ni Brabo de Lagunas sa kanyang kapatid na si Bartolome Brabo na isang pari sa probinsiya ng Camarines Norte.[5] Subalit ito ay ninakaw ni Juan de Aguila na taga-Lipa na siya ring nag-alaga at nagparami ng nasabing halaman.[6]

Saan sa Pilipinas ang may industriya ng tablea

Ang Pilipinas ay mayroong klima na angkop sa pag-aalaga at pagpapayabong ng kakaw kaya't mayroong industriya ng tableya sa mga probinsiya ng Cebu, Davao, at Bohol. [4][7][8]

Paano ginagawa ang tablea

Sinangag na mga butil ng kakaw

Ang paggawa ng tablea ay nagsisimula sa pagtatanggal sa sariwang butil ng kakaw mula sa balat nito. Ang mga natanggal na butil ay pinatutuyo sa init ng araw. Ang mga natuyong butil ay isinasangag na tulad ng ginagawa sa kape sa loob ng tatlong oras. Pagkatapos isangag, ang mga butil ay ginigiling. Ang nagiling na mga butil ay hinahaluan ng asukal. Pagkatapos ay hinuhulma ito sa hugis na parang bola.[3]

Paano gumawa ng inuming tsokolate mula sa tablea

Ang paggawa sa mainit na inuming tsokolate na sinasangkapan ng tablea ay sinisimulan sa pamamagitan ng pagpapakulo ng tubig na may tablea, gatas at asukal. Ang pinakuluang timpla ng tablea, gatas at asukal ay hinahalo gamit ang isang batidor na gawa sa kahoy hanggang ito ay lumapot. Mas higit na lalapot ang tsokolateng inumin kapag dinagdagan ang inilagay na tableya.[3]

Mga sanggunian

  1. "2017-2022 Philippine Cacao Industry Roadmap" (PDF). Bureau of Plant Industry of the Philippine Department of Agriculture. Bureau of Plant Industry of the Philippine Department of Agriculture. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 12 Hulyo 2018. Nakuha noong 21 November 2019.
  2. 2.0 2.1 "Securing The Future of Philippine Industries". Philippine Department of Trade and Industry and Board of Investments. Philippine Government. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Septiyembre 2018. Nakuha noong 21 November 2019. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= ()
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 "Tablea Tsokolate or Cacao Chocolate". Batangas-Philippines.Com. Batangas-Philippines.Com. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Septiyembre 2020. Nakuha noong 21 November 2019. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= ()
  4. 4.0 4.1 "Raquel Choa: The "Chocolate Queen" of Cebu Gives Tablea the Royal Treatment". Our Awesome Planet. Our Awesome Planet. Nakuha noong 21 November 2019.
  5. Ocampo, Ambeth R. (17 August 2016). "Chocolate and history". Philippine Daily Inquirer. Manila. Nakuha noong 21 November 2019.
  6. De Vera, Irene A. (December 2018). "Cacao and Tablea Tsokolate: Spanish Contribution in Pangasinan Agroforestry, Culinary, and Economy" (PDF). Journal of Natural and Allied Sciences. Vol. II (No.I): pp. 49-56. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 15 Hulyo 2020. Nakuha noong 21 November 2019. {{cite journal}}: |issue= has extra text (); |pages= has extra text (); |volume= has extra text ()
  7. "Can The Philippines Make Premium Chocolate? This Chocolatier is Betting On It". Forbes. Forbes Media LLC. Nakuha noong 21 November 2019.
  8. "The local chocolate industry is reaching new heights with homegrown cacao". F&B Report Magazine. Nakuha noong 21 November 2019.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.